LEGAZPI CITY – Bumubuhos ngayon ang pagbati sa pambato ng Catanduanes matapos nitong masungkit ang best in National Costume sa katatapos pa lamang na Coronation Night ng Ginoong Pilipinas na ginanap sa RCBC Plaza.
Ang abaca inspired national costume ay ibinandera ni Ron Madrigal sa tulong ng Catandungan artist na si Joven Ombos Añonuevo mula sa bayan ng San Miguel.
Sumisimbolo ito sa kasipagan ng mga Abacaleros sa pakikiisa ng mga Catandunganon, at kontribusyon ng mga pamilyang parahag-ot sa lalawigan.
Isa pa sa nagbigay kwento sa costume na ito ay ang disenyo mula sa Nuestra Señora De La Naval, na nagsasalaysay ng kasaysayan, kultura, at pananampalataya sa isla.
Si Madrigal ay tubong Viga, Catanduanes at nakapagtapos ng Secondary Education Major in Social Studies noong 2018 sa Catanduanes State University.
Samantala, sa 18 contestants ng Ginoong Pilipinas nakuha nito ang top 10 finalist sa kompitisyon.