LEGAZPI CITY- Personal na nagtungo sa Bicol region ang ilang mga opisyal ng National Commission of Senior Citizen upang makita kung maayos na nai-implement ang mga programa na ipinapatupad para sa mga may edad na.
Nakipag-pulong ang mga ito sa Commission on Elections Bicol at Department of Social Welfare and Development Bicol.
Ayon kay National Commission of Senior Citizen Commissioner Reymar Masilungan sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi na partikular na tinututukan ang Republic Act 7432 o The Senior Citizens Act.
Paliwanag ng opisyal na may mga aksyon na kinakailangang gawin upang maupatupad ng tama ang ilang mga programa sa ilalim na inamyendahan na Centenarian Act of 2016.
Matatandaan kasi na ang mga senior citizen na umanot sa edad na 100 years old ay makakatanggap ng P100,000 mula sa pamahalaan.
Subalit sa inamyendahan na batas ay unti-unti ng ibibigay ang ayuda na matatanggap ng mga ito sa edad na 80-anyos upang mas maagang mapakinabangan.
Sinabi ni Masilungan na hihingin sa Commission on Elections na magkaroon ng data sharing sa mga senior citizens na tumungtong na sa 80-anyos para sa pagpapatupad ng naturang programa