LEGAZPI CITY-Otomatikong pinapalikas na ang residente malapit sa 6km permanent danger zone kasunod ng alert level 3 status ng Bulkang Mayon.
Ayon kay Supervising Science Research Specialist Dr. Paul Alanis sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi, na ibig sabihin nito mayroon nang rekomendasyon galing sa provincial government na magsagawa ng evacuation para sa mga residente malapit sa 6km permanent danger zone.
Sinabi rin ng opisyal na bunsod ito sa pyroclastic density currents na naitala simula nitong tanghali kung saaan may mga tipak ng bato ang nahuhulog mula sa Bulkang Mayon.
Nilinaw naman na sa ngayon ay hindi pa nag-collapse ang lava dome at tanging maliliit pa lamang na tipak ng bahagi nito ang nahuhulog mula sa Bulkan.
Sa ngayon ay wala pang nangyayaring phreatic eruption ngunit posible ang pagtapon ng mga abo sa paanan ng Bulkan at posibleng tangayin rin ito ng hangin.
Dagdag pa niya na posible rin na tumaas pa sa alert level 4 ang estado ng Bulkang Mayon depende sa kung gaano kalala ang posibleng eruption at kung saan aabot ang mga pyroclastic nito.
Samantala, inirerekomenda ang pagkakaroon ng evacution para sa mga residente malapit sa Bulkang Mayon.
Inisyal na datos ng mga pamilyang sakop sa 6km permanent danger zone:
•Tabaco City – 312 pamilya
•Malilipot – 287 pamilya
•Daraga – 1 pamilya
•Camalig – 100 pamilya
•Ligao City – 25 pamilya
•Guinobatan – 4 pamilya










