LEGAZPI CITY-Apektado ng matinding ashfall ang nasa 35 hektarya ng mga pananim at 175 na mga magsasaka sa Brgy. Mi-isi, Daraga Albay.
Ayon kay Punong Barangay Servando Loria, sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi na mayroong mga hindi nakakapagtanim dahil nasusunog at nabubulok ito kapag tinatamaan ng ashfall.
Nakakaranas ng ashfaal ang kanilang lugar maging ang pagdami ng mga bumabagsak na pyroclastic density currents sa Mi-isi gully.
Kasalukuyang nakalikas ang mga residente sa mga relocation site ngunit malaking problema umano ito para sa mga magsasaka.
Karamihan sa mga magsasaka ang bumabalik lamang sa kanilang lugar para sa kanilang mga alagang hayop.
Nabigyan rin sila ng Department of Agriculture ng pansamantalang mga taniman kung saan sila nagtatrabaho sa tinatawag na “cash for work” na magtatagal hanggang Pebrero 22.
Sinabi rin ng opisyal na pinangangambahan ng mga residente at magsasaka sa ngayon ang kanilang hanap buhay matapos ang isang buwan dahil hindi rin sapat ang pondo ng kanilang barangay











