LEGAZPI CITY- Pumalo pa sa 2, 357 ang mga drug cleared barangay sa Bicol region matapos ang assesment ng Regional Oversight Committee.
Ayon kay Philippine Drug Enforcement Agency Bicol Director Edgar Jubay sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi na tatlo pang mga bayan ang naideklara na malinis na sa impluwesya ng iliga na droga kung kaya umakyat na sa 40 ang drug cleared municipality sa buong rehiyon.
Tanging ang Sorsogon City naman ang nag-iisang drug cleared city sa ngunyan.
Sa kasalukuyan aniya nasa 436 barangays na lamang ang drug affected na katumbas ng nasa 12.56% ng kabuuang barangay sa rehiyon.
Subalit nilinaw ng opisyal na magpapatuloy pa rin ang monitoring sa naturang mga lugar upang masiguro na ipinapatupad pa rin ang mga programa nito.
Samantala, nanawagan naman si Jubay ng patuloy na suporta sa publiko upang magpatuloy ang tagumpay sa kampanya laban sa iligal na droga.