Aabot sa 18 indibidwal ang binawian ng buhay habang nasa 40 iba pa ang nasugatan dahil sa mga suicide bombers sa northeastern Borno sa Nigeria.
Ayon sa impormasyon, naglunsad ng serye ng mga pag-atake ang pinaniniwalaang babaeng suicide bombers sa lugar.
Nabatid mula sa mga otoridad sa Nigeria na nagsagawa ng magkakahiwalay na pag-atake ang naturang mga suicide bombers sa mga kasalan, libing at ospital na rason ng pagkamatay ng ilang mga biktima.
Sa kasalukuyan ay wala pang grupong umaako sa naturang mga insidente.
Kung Matatandaan, ang Borno ang ang lugar sa Nigeria na naging sento ng mahigit isang dekada na Islamist insurgency.
© Reuters