Ashfall in some parts of Legazpi City

LEGAZPI CITY- Nilinaw ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology na walang nangyaring pagsabog sa bulkang Mayon kasunod ng naranasang ashfall sa ilang bahagi ng Legazpi City kagabi.

Ayon kay Phivolcs Supervising Science Research Specialist Dr. Paul Alanis sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi na an nangyaring pagbagsak ng abo ay resulta ng pyroclastic density currents o uson.

Nilinaw naman ng opisyal na ang mga lugar na naaapektuhan ng pagbagsak ng abo ay nakadepende sa lakas at direksyon ng hangin.

Matatandaan kasi na sa nakalipas na mga araw, una ng nakaranas ng ashfall ang iba pang bahagi ng Legazpi City at bayan ng Daraga.

Dagdag pa ni Alais na patuloy naman na nakikita ng tanggapan ang umaakyat na magma kaya nagkakaroon ng pagtaas sa sulfur dioxide.

Kaugnay nito ay pinayuhan ng opisyal ang publiko na manatiling naka alerto kaugnay ng patuloy na aktibidad ng bulkang Mayon.