LEGAZPI CITY – Umaasa ang isang Pinay Overseas Filipino Worker (OFW) sa Italy na magsilbing-aral sa mga kababayan sa Pilipinas ang nangyari sa nasabing bansa upang seryosohin ang mga hakbang sa pagkontrol sa coronavirus disease.
Matatandaang nalagpasan na ng Italya ang libo-libong kaso ng mga namatay sa China dahil sa virus.
Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Mona Liza Robrigado, OFW sa Venice, Italy, nagpakakampante ang mga residente sa nasabing lugar dahil sa magandang healthcare system.
Matatawag rin aniyang “too late” ang total lockdown lalo na’t mabilis nang kumalat ang sakit.
Samantala kahit may nakataas na pagbabawal sa paglabas-labas, hindi rin nalimitahan ang ilang residente.
Binigyang-diin pa ni Robrigado ang kahalagahan ng ipinatupad na social distancing at ang pakikinig sa mga protocol ng pamahalaan sa pagkontrol ng virus.