@ photo from web

Naging laman ng mga usapan sa Thailand ang naging desisyon ng isang misis matapos mahuling nangangaliwa ang kaniyang mister.

Ang misis kasi ay inalok na rentahan na lamang ng kabit ang kaniyang pulis na mister sa halagang 30,000 Baht o nasa P47,000 kada buwan, bagay na agad naman na sinang-ayunan ng mistress at sinabing hindi problema ang pera.

Ang 31-anyos na misis na itinago sa pangalang ‘Kwang’ at mister nito ay sampung taon ng kasal at mayroon ng 8-anyos na anak.

Nagsimula ang lahat ng maghinala ang misis noong nakalipas na taon na madalas umuwi ng dis-oras ng gabi ang mister kaya nag-hire ito ng private investigator hanggang nahuli ang mister sa isang condo na kasama ang kabit nito.

Naitampok ang naturang kwento sa isang TV show sa Thailand.

Nangako pa ang mister na hindi na mambababae subalit kalaunan ay sinabing hidi niya kayang iwan ang kabit.

Dahil dito, gumawa si Kwang ng kasunduan na hahayaang magsama ang dalawa, kapalit ng upa buwan-buwan at igiiit na hindi siya makikipag diborsyo.