LEGAZPI CITY- Ipinaliwanag ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology ang naitatalang volcanic tremors sa Bulkang Mayon sa nakalipas na mga araw.

Ayon kay resident volcanologist Dr. Paul Alanis sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi, ang naturang tremors ay dulot ng pagkakabuo ng gas bubbles.

Ito aniya ang nagreresulta sa paminsan-minsan na pagkakaroon ng ashing events at lava spray.

Ipinaliwanag naman ng opisyal na magkaiba ang lava fountaining na naitala noong 2018 eruption sa kasalukuyang lava spray.

Nabatid na ang lava fountaining ay stustained at tumatagal ng ilang minuto habang ang lava spay ay umaabot lamang ng ilang segundo.

Samantala, ayon kay Alanis ay nakapagtala na ngayon ng nasa 30 hanggang 31 million cubic meters ng volcanic deposits sa dalawang buwan na pag-aalburuto ng Bulkang Mayon.

Ito aniya ang isa sa kanilang binabantayan dahil sa posibilidad na dumausdos sa Mayon unit area kung sakaling magkakaroon ng sama ng panahon.