LEGAZPI CITY- Pinalakas pa ng mga kapulisan sa bayan ng Irosin, Sorsogon ang kanilang kampanya para sa pag-aresto ng mga wanted persons sa lugar.
Katunayan, ayon kay Police Major Voltaire Jun Pedido, hepe ng Irosin Municipal Police Station sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi na kumpara sa nakalipas na taon ay tumaas ng halos 100% ang mga naaresto na wanted na mga indibidwal sa naturang bayan.
Ang naturang mga indibidwal ay nahaharap sa iba’t ibang mga kaso.
Ipinagmamalaki rin ng opisyal na bumaba rin ang crime rate sa buwan ng Enero hanggang Hulyo 2024 kumpara sa kaparehong panahon noong nakalipas na taon.
Kwento ng hepe na simula rin noong nakalipas na buwan hanggang sa kasalukuyan ay halos walang crime against person and property na naitatala.
Ayon kay Pedido na kung may kriminalidad man na nangyayari ay maagap itong nalulutas ng mga kapulisan.