MV Trisha Kerstin 3

Patuloy na pinaghahanap ng mga otoridad ang iba pang sakay ng MV Trisha Kerstin 3 matapos itong lumubog sa karagatan ng Baluk-baluk, Hadji Muhtamad (Pilas Island) kaninang madaling araw, Enero 26, 2026.

Nabatid na patungo ang barko sa Jolo, Sulu mula sa Zamboanga City.

Inaalam pa ang kabuuang bilang ng mga pasahero na sakay ng naturang barko.

Nabatid na nakapagpadala pa ng distress call ang mga crew bandang ala-una ng madaling araw upang ipaabot ang technical problem bago ito tuluyang lumubog.

Katulong naman ngayon ng Philippine Coast Guard ang ilang grupo ng mga mangingisda upang mahanap ang mga biktima.

Ang ilang survivors naman sa insidente ay nasa maayos na kalagayan na subalit patuloy na pinaghahanap ang iba pang nawawalang pasahero.

© Star FM Zamboanga