LEGAZPI CITY-Pinaghahandaan ng Muslim community ang tinatawag na ‘Moon sighting’ sa para sa papalapit na Ramadan.


Ayon kay Bicol Muslim President Al Amin Hassan, sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi na magsisimula ito sa February 18.


Dagdag pa ni Hassan na nakabase sa pagpapakita ng buwan ang selebrasyon ng Eid al-Fitr at Eid al-Adha.


Aniya, kapag nagpakita ang buwan, magsisimula ang Eid al-Fitr at kapag hindi naman ay magbibilang ng ilang araw para sa selebrasyon ng Eid al-Adha.


Tuwing isinasagawa ang moon sighting, magsisimula sila ng prayers at tuwing Pebrero 18 naman ang pagsisimula ng pag-ayuno.
Sisimulan na rin nila ang paglilinis sa mga pilgrimage at mosque para sa selebrasyong ito.