LEGAZPI CITY – Pinag-aaralan pa ang pagbabalik-operasyon ng mga provincial buses mula Legazpi patungong Manila at vice versa.
Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Mayor Noel Rosal, posibleng maantala ang pagbabalik-biyahe ng ilang mga bus dahil sa muling paglobo ng kaso ng COVID-19 sa Metro Manila.
Inaasahan kasi ang pagbabalik-operasyon ng mga ito sa darating na Marso 22.
Subalit ayon kay Rosal kailangang paigtingin ang pag-iingat lalo pa’t patuloy ang pagkalat ng mga bagong variants ng COVID-19.
Asahan na aniya ang posibleng pagkakaroon ng pagbabago sa petsa ng balik-biyahe dahil oobserbahan pa ang sitwasyon ng infection sa Metro Manila.