LEGAZPI CITY- Naaksidente ang isang motorista ngayong gabi lamang sa bahagi ng Purok-1 Hindi, Bacacay, Albay.

Ayon sa paunang impormasyon na nakalap ng Bombo Radyo Legazpi, na nahagip umano ng hindi pa nakikilalang motorista ang isang babae.

Nabatid na naglalakad lamang ang naturang babae sa gilid ng kalsada na patungo sana sa sentro ng naturang bayan.

Batay sa pahayag ng mga nakakita sa pangyayari ay nawalan umano ng malay ang naturang motorista.

Samantala, mabilis naman na rumespunde ang mga tauhan ng Bacacay Municipal Disaster Risk Reduction and Manangement Office, Bacacay Municipal Police at Bureau of Fire Protection upang magbigay ng paunang lunas sa mga biktima.