LEGAZPI CITY – Pinapaiwas na muna ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) Sagñay ang mga motorista na dumaan sa Sagñay-Tiwi Road.

Matapos na makapagtala ng ilang mga pagguho ng lupa sa tabi ng daan sa Baranggay Patitinan, Sagñay, Camarines Sur.
Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Sagñay MDRRMO Head Jam Tria, inasahan na nila ang ganitong mga insidente dahil sa saturated na ang lupa sa lugar dala ng walang patid na pag-ulan.

Agad namang ipinaalam sa Department of Public Works and Highways (DPWH) ang insidente upang makapagsagawa ng clearing operations.

Subalit kahit passable na ngayon ang kalsada ay inabisuhan pa rin ng opisyal ang mga motorista na huwag na munang dumaan sa lugar dahil sa mataas ang posibilidad na maulit ang pagguho ng lupa anumang oras


Ani, Tria dumaan na muna sa mga alternative roads upang masiguro ang kaligtasan.


Ipinagpasalamat naman ng Sagñay MDRRMO na walang nasaktan sa insidente at pinalikas na rin ang mga residenteng malapit sa lugar.