LEGAZPI CITY- Inalerto na ng provincial government ng Albay ang local disaster risk reduction and management councils sa buong lalawigan dahil sa banta na dala ng walang patid na mga pag-ulan.

Ayon kan Albay Governor Glenda Bongao sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi na nakapagtala na ng mga minor landslides at pagbaha sa ilang mga barangay sa lalawigan.

Subalit sa kasalukuyan ay passable pa naman umano ang lahat ng mga kalsada dahil sa maagap na pag-aksyon ng mga local government units.

Ayon pa sa gobernador na ipinag-utos na rin sa mga barangay officials ang paghahanda sa posibleng paglikas ng mga residente na nasa critical areas kung magpapatuloy pa ang masamang lagay ng panahon.