LEGAZPI CITY- Hindi na bago para sa grupo ng mga manggagawa ang lumabas sa survey na ang mga minimum wage earners ang maituturing na mahirap sa bansa.
Ayon kay Partido Manggagawa Spokesperson Wilson Fortaleza sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi na magatal ng hindi nakakatawid sa poverty line ang maraming mga Pilipino dahil sa mababang pasahod.
Sa loob aniya ng mahigit 30 taon ay hindi na nakakatawid sa poverty threshold ang mga sumasahod ng minimum.
Ang kasalukuyan aniyang sitwasyon ay maituturing na starvation wagers na hindi makakapag-angat ng buhay ng mga mamamayan.
Kinuwestyon rin ng grupo ang sariling computation ng National Economic and Development Authority na tila wala umanong intensyon na tulungan na maka angat ang sitwasyon ng publiko.
Dagdag pa ni Fortaleza na laging target ng mga nasa administrasyon na mapababa ang poverty rate subalit kasabay ng pagbaba ng numero ay ang pagbagsak rin ng ng standard ng buhay ng mga Pilipino.
Samantala, pinuna rin ng opisyal ang umano’y pagpapabaya ng mga mambabatas sa panawagan na wage hike ng mga manggagawa.