LEGAZPI CITY – Naglunsad ng isang mini-pageant ang grupo ng magkakaibigan kasama ang kanilang mga pamilya sa lungsod ng Tabaco na nilalayong makakalap ng donasyon para sa mga apektado ng krisis na epekto ng coronavirus disease.
Kani-kaniyang post at project sa camera ang mga contestants ng Miss Home Quarantine 2020 upang makalikom ng maraming likes and shares sa social media.
Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Mike Figueroa, isa sa mga naglunsad ng mini-pageant, bukod sa relief goods na maibibigay, nais rin ng grupo na makapagbigay ng kaligayahan sa mga kasalukuyang naka-home quarantine.
Kabilang sa mga masusungkit ng mananalo ang sako ng bigas, iba’t ibang canned goods and noodles at ilan pang relief items.
Sa Abril 14 aniya ang magiging anunsyo ng mananalo.
Suportado naman ito ng mga pamilya at maging ng netizens dahil sa “good vibes” na hatid sa kabila ng kinakaharap na krisis, hindi lang ng bansa kundi ng buong mundo.