Image may contain: one or more people and outdoor
Photo courtesy of MDRRMO Juban

LEGAZPI CITY – Nahulog sa bangin ang truck na sinasakyan ng nasa 20 kasapi ng Philippine Army dakong ala-1:00 kaninang madaling-araw sa Brgy. Hidhid, Matnog, Sorsogon.

Nabatid na umabot ng hanggang halos apat na oras ang ginawang rescue operation ng hindi bababa sa 25 talampakang taas ng bangin.

Nagtulong-tulong sa rescue ang mga barangay officials katuwang ang mga local disaster management officials sa mga kalapit na bayan ng Irosin, Juban, Sta. Magdalena, Bulan, Casiguran maging ang tropa ng Bureau of Fire Protection (BFP), pulisya at militar.

Sa impormasyon mula sa Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) Juban, ligtas namang nadala sa pagamutan ang mga biktima na nilapatan ng agarang lunas.

Nagpapatuloy pa ang imbestigasyon sa naturang insidente.