LEGAZPI CITY- Nagsagawa ng mga meeting ang iba’t-ibang mga ahensya sa probinsya ng Cantanduanes para sa Pre-Disaster Risk Assessment sa sitwasyon ng El Niño.

Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Roberto Monterola, Operations Section Chief PDRRMO Catanduanes, bumubo na ng resolusyon ang mga ahensya para sa El Niño Task Force.

Kaugnay nito inilatag na rin ang mga posibleng solusyon at hakbang upang maiwasan ang magiging epekto ng sobrang init ng panahon sa kalusugan at sa agrikultura.

Ani Monterola, nagsimula na rin silang mamigay ng mga kinakailangang mga kagamitang sa ibang mga magsasaka kabilang na ang mga pananim o binhi na “heat and drought-resistant”.

Samantala, maging ang mga ahensya, nangakong ipapagamit ang mga water truck sakaling kailanganin nang magrasyon ng tubig sa mga residente.

Dagdag pa ng opisyal, nakatutok ang buong ahensya sa magiging epekto ng El Niño at kung sino ang mga dapat na paabutan ng tulong.

Photo Courtesy: Andy Madregalejo (via Facebook)