LEGAZPI CITY – Pumalo na sa 1,491 ang kabuuang bilang ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs) na nakauwi na sa Bicol dahil sa coronavirus pandemic.
Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Bicol communications officer Rowena Alzaga, Albay ang nangunguna sa Bicol sa may pinakamaraming napauwi na OFWs.
Kinabibilangan umano ang mga ito ng mga active, inactive at undocumented na OFWs na mula sa iba’t ibang lalawigan ng rehiyon.
Patuloy naman na nakikipag-ugnayan ang tanggapan sa provincial government ng Catanduanes at Masbate para sa mga uuwi na Locally Stranded Individuals (LSIs).
Ayon kay Alzaga, may mga nakatalagang quarantine facility ang Albay para sa mga OFWs na hindi pa makatawid sa mga isla.
Sa kasalukuyan, inihahanda na ng tanggapan ang mga Local Government Units (LGUs) sa pag-accomodate ng mga darating pang repatriates sa rehiyon.