Nagtipon-tipon ang mga tagasuporta ni Apollo Quiboloy sa harap ng compound ng Kingdom of Jesus Christ sa Davao City upang i-protesta ang presensya ng mga kapulisan sa lugar.
Matatandaan na patuloy na sinusubukan ng mga kapulisan na maisilbi ang arrest warrant laban sa naturang pastor.
Pinuna ng mga miyembro ng KOJC ang umanoy pang-aabuso sa kanila matapos umano silang gamitan ng tear gas ng mga kapulisan, bagay na pinabulaanan ng Police Regional Office 11.
Simula kasi ng pumasok sa compound ng KOJC ang PNP noong Agosto 24, ay hindi pa rin nahahanap si Quiboloy, na nahaharap sa mga kasong Child Abuse at Human Trafficking.
Samantala, malaki naman ang paniniwala ng mga kapulisan na nasa loob pa rin ng compound ng Kingdom of Jesus Christ ang naturang pastor.