Supporters of Former President Duterte in Netherlands
Supporters of Former President Duterte in Netherlands

LEGAZPI CITY- Matiyagang naghintay ang mga tagasuporta ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa labas ng International Criminal Court Compound subalit hindi nasilayan ng mga ito ang dating pangulo dahil sa mahigpit na seguridad na ipinatupad ng Dutch authorities.

Ayon kay Bombo International News Correspondent Luigi Roa na naka heightened alert ang Dutch police simula ng pagdating ni Duterte sa naturang bansa.

Kwento nito na kumuha pa sila ng permit mula sa pamahalaan upang maipakita ang suporta sa dating pangulo kung saan bitbit pa ng mga ito ang bandila ng bansa.

Nabatid na maliban sa kanilang grupo ay nagtungo rin sa labas ng ICC ang ilang mga kritiko ni Duterte na natuwa umano sa pagkaka aresto nito.

Sa kabila nito ay naging mapayapa naman umano ang isinagawa nilang peaceful rally.

Samantala, ayon kan Roa na desidido sila na magtungo sa korte oras na maitakda na ang paglilitis sa dating pangulo.

Aniya, kumpiyansa sila na mapapawalang sala si dating Pangulong Duterte dahil ginawa lamang umano nito ang kaniyang mandato bilang lider ng bansa.