LEGAZPI CITY – Agad na naibigay ng mga awtoridad ang hustisya sa isang babae na may kapansan sa pandinig at pagsasalita na biktima ng panggahasa at pagpatay sa Brgy. Balogo, Oas sa Albay.

Una rito ay nakita ng isang magsasakata ang katawan ng 28-anyos na magsasaka na hubo’t-hubad at wala ng buhay sa gitna ng sakahan ng naturang barangay.

Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay PEMS Fe Cerilio, Investigator ng Oas Municipal Police Station, lumabas sa isinagawang imbestigasyon na dalawang lalaki ang nasa likod ng naturang krimen.

Napag-alaman na isa sa mga ito ay menor de edad habang nasa tamang edad naman ang isa.

Nakilala ang dalawang suspek sa pamamagitan ng CCTV footage ng naturang barangay kung saan nakita na sinusundan ng mga ito ang biktima habang papauwi.

Ayon kay Cerilio, inamin at hindi na itinanggi pa ng mga suspek ang ginawang krimen na parehong residente ng Barangay Napo sa Polangui, Albay.

Sinabi mismo ng mga ito na pinatay muna nila saka ginahasa ang biktima at kinuha pa ang pera nito.

Nasampahan na ng kasong rape with homicide ang dalawang suspek at sasampahan pa ng hiwalang na kasong robbery.

Inihayag ng opisyal na tanging ang lola lamang ang kasama ng biktima sa bahay at hilig na tumambay sa harap ng isang convenience store ng lugar kung saan tinatakpan ang ng karton ang mga pumaparadang motorsiklo upang hindi mainitan.

Sa pamamagitan aniya nito ay kumikita kahit papano ang biktima na iniipon din para pambili sana ng bagong atip ng kanilang bahay.