Binigyan ng pagkilala ang nasa 168 na sundalo at police na namatay sa Marawi siege sa pamamagitan ng tree planting activity sa isinagawang Marawi Week of Peace Reporting Event.
Ang mga residente ng Hidaya Village, sundalo, pulis at Task Force Bangon Marawi officials ay nagtanim ng 168 hardwood golden trumpet tree na mga punla, na kumakatawan sa buhay ng military at uniformed personnel na isinakripisyo ang kanilang buhay para makamit ang pangmatagalang kapayapaan sa Marawi City.
Aabot sa mahigit 109 na pamilya ang naapektuhan sa Hidaya Village ng atikihin ng Maute group ang Marawi.
Matatandaang sa araw na ito, taong 2017 idineklara ni Presidente Rodrigo Duterte ang 60-day martial law sa Mindanao na pinalawig hanggang 2019 sa kabila ng pagtutol ng iba’t-ibang grupo.