LEGAZPI CITY – Balik biyahe na ang mga sasakyang pandagat sa Matnog Port matapos na tuluyan ng tanggalin ang Tropical Cyclone Wind Signal no. 1 sa lalawigan ng Sorsogon dulot ng Bagyong Ofel.
Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Jan Arthur Primo, head ng MDRRMO Matnog, makakabiyahe na ang aabot sa mahigit 400 na stranded passengers sa naturang pantalan.
Una ng tiniyak ng Philippine Coast Guard Matnog na itutuloy ang biyahe ng mga ito oras na alisin na ang warning signals at tuluyan ng bumuti ang lagay ng panahon.
Aniya hindi naman gaanong naramdaman ang epekto ng bagyong Ofel ng mag-pangalawang landfall sa naturang bayan.
Tanging naranasan lang ang mahina na mga pag-ulan.
Inihayag rin nito na may naidulot na positibong epekto ang COVID-19 pandemic dahil kakaunti lamang ang naging bilang ng mga stranded passengers kumpara sa normal na biyahe.