LEGAZPI CITY – Siniguro ng Department of Education na papanagutin ang mga atletang nasangkot sa kaguluhan sa pagitan ng koponan ng Masbate City at Naga City sa huling araw ng Palarong Bicol 2024 na ginanap sa Legazpi City.
Ito ay kasunod ng sakitan sa pagitan ng mga atleta sa championship games ng Football-Secondary Male na nagtapos sa iskor na 5-0, pabor sa Masbate City.
Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Francisco Dexter Sison, Sports Division Coordinator ng School Division Office Legazpi, habang nagdiring sa pagkapanalo ang team Masbate na nasa football field pa, bigla na lamang pumasok ang atleta ng Naga City at nanipa.
Nagtamo ng injuries ang ilang mga atleta ng Masbate kung saan ang isa sa mga ito ay tinalunan pa habang nakadapa sa field.
Maliban pa sa mga atleta ay nagkagulo rin ang mga supporters nito na nanonood ng naturang laro.
Siniguro naman ni Sison na hindi papalampasin ang insidente at iimbestigahan ito upang malaman kung ano ang pinagmulan ng komosyon at mapatawan ng penalidad ang mga tunay na may sala.
Samantala, nabatid na nakauwi na sa lungsod ng Masbate ang mga atleta nito na nagtamo ng injuries sa naturang kahuluhan.