LEGAZPI CITY- Isinailalim sa forced evacuation ang mga residente mula sa siyam na mga barangay sa bayan ng Matnog dahil sa matinding na pagbaha epekto ng walang tigil na pag-ulan at Amihan.
Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Pol. Lt. Jose Destacamento ang deputy ng Matnog Municipal Police Station, nasa low lying areas, malapit sa baybayin o may katabing ilog ang mga barangay na apektado ng hangang dibdib na baha partikular na an mga barangay ng Tabunan , Gadgaron, Manjumlad, Balocawe, Sinalmacan, Sinebaran asin Bon-ot.
Katulong ang barangay officials, tauhan ng Bureau of Fire Protection at Philippines National Police isa-isang pinuntahan ng mga otoridad ang mga kabahayan at dinala sa mas ligtas na temporary shelter sa Matnog Covered Court.
Nasa 75 katao o 15 pamilya ang nailikas ng mga otoridad na agad naman na binigyan ng mga relief goods at iba pang mga pangangailangan.
Samantala, pansamantala rin na ipinagbawal ang pagdaan ng maliliit na sasakyan sa national highway sa barangay Gadgaron na papuntang Matnog port dahil pa rin sa pagbaha.