LEGAZPI CITY – Halos maabot na ng tubig baha ang bubong ng mga bahay sa Jovellar, Albay.
Ito ay kaugnay pa rin ng matinding epekto ng Tropical Storm Kristine sa Bicol.
Nagtutulong-tulong narin ang mga residente, mga pulis at lokal na pamahalaan upang maisalba ang mga gamit sa tubig baha.

Matatandaan na ilang mga residente narin mula sa Barangay Aurora ang nagpalipas na ng gabi sa evacuation center ng bayan matapos ang isinagawang pre-emptive evacuation kagabi.