LEGAZPI CITY- Pahirapan ngayon para sa malaking populasyon ng lalawigan ng Catanduanes kung paano muling babangon matapos ang matinding pinsalang iniwan ng super typhoon Pepito.
Matatandaan na maraming mga kabahayan kasi ang winasak ng malakas na hangin na dala ng naturang sama ng panahon.
Ayon sa isa sa mga residente ng Barangay Binanuahan, Bato, Catanduanes na si Raven Torregoza Reyes sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi na wala silang ibang aasahan sa ngayon kundi ang tulong mula sa pamahalaan.
Nanawagan pa ito kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na mapaabutan sila ng tulong lalo na ang pagsasaayos ng suplay ng kuryente, muling pagpapagawa ng kanilang nawasak na mga tahanan at iba pa.
Matatandaan kasi na malawak ang naging pinsala ng naturang super typhoon Pepito sa mga kabahayan, imprastraktura, mga paaralan, at maging sa sektor ng agrikultura.