Inilikas ang mga residenteng nakatira malapit sa bulkang Kanlaon.
Ito ay matapos pumutok ang naturang bulkan kabagi kung saan lumikha ang 5,000 meter plume.
Dahil dito, itinaas ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) sa alert level 2 ang status ng Mt. Kanlaon.
Una nang inabisuhan ang publiko na lumayo sa mga lugar na pwedeng pagbagsakan ng mga abo mula sa pagsabog ng bulkan.
Kilala ang Kanlaon bilang bundok Kanlaon at bulkang Kanlaon, na isang aktibong stratovolcano at ang pinakamataas din na bundok sa isla ng isla ng Negros.