reclamation project
reclamation project

LEGAZPI CITY – Hndi naniniwala ang grupo ng mga mangingisda na dahil sa overfishing ang rason para bumaba ang volume ng fish production sa bansa.

Batay sa datos ng Philippine Statistics Authority, bumaba ng 5% ang produksyon ng isda sa unang bahagi ng kasalukuyang taon.

Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay PAMALAKAYA President Pando Hicap, hindi na nila ipinagtaka at inasahan na ang pagbaba ng fish production ngayong taon at sa mga susunod pa.

Lalo pang hindi aniya naniniwala sa katotohanan ng mga nasa pamahalaan na dahil sa mga dredging at reclamation project ang dahilan ng pagkaunti ng mga nahuhuling isda sa mga karagadatan ng bansa.

Ayon kay Hicap, halos 90% ng total production ang nawala dahil sa naturang mga mapanirang aktibidad sa ilang mga coastal waters ng bansa.

Isabay pa rito ang pagpayag ng Department of Agriculture na pag-angkat ng 25,000 metric tons ng isda ngayong taon na lalong magpapadismaya sa mga fisherfolks na mangisda.

Ito ay dahil sa murang presyo ng mga imported na isda kumpara sa mataas na presyo ng lokal na industriya na magreresulta sa pagkalugi ng mga mangingisda.