LEGAZPI CITY-Namahagi ng mga food repack ang mga Pilipino sa Thailand sa mga naapektuhan ng tensyon sa gitna tesnyon sa border, na inihatid pa nila ng personal ang mga ito sa lugar.


Ayon kay Bombo International News Correspondent sa Thailand Toto Cadapan, sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi, maraming Pilipino ang inilikas malapit sa border at karamihan sa kanila ay pinalikas ng kanilang mga employer.


Dagdag pa ni Cadapan, may mga tumuloy na sa mga hotel at sa apat na probinsya malapit sa border kung saan nakapagtala rin ng nasa 30 gurong na mga Pilipino, na gustong humingi ng tulong sa gobyerno ng Pilipinas, lalo na ng pagkain dahil nauubusan na siladito lalo pa at kasama nila ang kani-kanilang pamilya.


Ikinatuwa rin ng opisyal ang pamamahagi ng food packs mula sa kapwa Filipino Community Leaders sa Thailand.


Sa kasalukuyan, aniya, umaasa na mahahatiran ng pagkain ang mga kapwa Pilipino, dahil sa 5 araw matapos magsimula ang digmaan, karamihan sa mga lumikas na OFW, sa gitna ng era ay lunikas na dala lamang ang kanilang mga sarili at kakaunting pera ang dala.


Sinabi rin ng opisyal na kailangan na kailangan na ng mga OFW ang agarang tulong at iba pang pangangailangan.