LEGAZPI CITY- Itinuturing na naging mabunga ang pagdalo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa ASEAN-Australia Commemorative Summit dahil sa mga napagkasunduang investments.
Makikinabang umano ang mga Pilipino kung magpapatuloy ang mga pamumuhunan sa bansa.
Sa kabila nito ay tila nakulangan ang ilang mga Pilipino sa bansa sa posisyon ng Association of Southeast Asian Nations sa ilang mga isyu tulad ng tensyon sa West Philippine Sea.
Ayon kay Bombo International Correspondent Denmark Suede na duda sila na maasahan ng Pilipinas ang mga member states ng unyon.
Paliwanag nito na tila mababaw ang posisyon ng mga ASEAN countries tensyon sa pagitan ng Pilipinas at China kaugnay ng pinag-aagawang teritoryo.
Maging ang Australia umano ay maliit lamang ang Armed Forces at kakaunti ang kagamitang pandigma na walang panlaban sa pwersa ng China.
Dahil dito ay hindi umano dapat na umasa ang Pilipinas sa ibang mga bansa sa pagtatanggol ng teritoryo nito.