LEGAZPI CITY- Nakiisa ang mga Pilipino sa pagdiriwang ng Thanksgiving Day sa Amerika.
Ayon kay Bombo News International Correspondent Marlon Pecson, itinuturing nila na magandang regalo para sa Thanksgiving Day ang apat na araw na tigil putukan sa pagitan ng Israel at grupong Hamas.
Matatandaan na isa ang Estados Unidos sa may malaking papel na ginampanan para sa pagsusulong ng naturang pansamantalang tigil-putukan.
Anuman oras aniya ay inaasahan ang pagpapalaya ng mga hawak na hostage ng dalawang panig. Samantala, sinabi ni Pecson na nagkaroon rin ng komosyon sa ilang mga Thanksgiving Day parade matapos magkasa ng biglaang kilos protesta ang ilang mga pro-Palestine.
Subalit siniguro nito na maayos naman na na-handle ng mga otoridad ang sitwasyon at wala namang nasaktan.