LEGAZPI CITY – Malawak ang nakikitang dahilan ng grupo ng mga rice producers at stakeholders sa patuloy na pagtaas ng presyo ng bigas sa bansa.
Ito ang inihayag ng Philippine Rice Industry Stakeholder Movement, o ang grupo na binubuo ng mga magsasaka, millers, traders, researchers, at ng mga opisyales ng pamahalaan.
Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Rowena Sadicon, founder at lead convenor ng naturang grupo, malaki ang epekto ng pagbabago sa daloy ng World Market.
Ito ay kaugnay ng ipinatupad na export-ban ng India, kung saan kahit pa hindi direktang umaangkat dito ang Pilipinas, nahahati ang market share ng mga bansa na inaangakatan ng bigas tulad ng Vietnam.
Maliaban dito, aminado rin ang grupo na may direktabng epekto ang mga nakaraang sama ng panahon, lalo pa’t nababawasan ang inaasahang ani sa ilang mga rehiyon.
Subalit sa naging pag-uusap, ayon kay Sadicon, may naitutulong ang mga dumaratin at papaabot pa na mga imported na bigas na kabilang sa 300,000 metric tons na inangkat.
Dahil dito, wala aniyang dahilan upang matakot at magpanic ang mga Pilipino dahil may sapat na suplay ng bigas sa bansa.