LEGAZPI CITY- Nagkagulo ang mga pasahero ng isang bus matapos itong mag-overheat at tuluyang mag-apoy sa Matnog, Sorsogon.

Mapalad na nakalabas ang lahat ng pasahero bago pa matupok ng apoy ang naturang bus kaya wala namang nasaktan sa insidente.

Habang sinusulat ang balitang ito ay kinukumpirma pa ng Bombo Radyo Legazpi ang mga ulat na may ilang mga gamit ng mga pasahero ang kasama sa nasunog.

Samantala, agad naman na rumespunde sa insidente ang mga kinauukulan subalit tuluyan ng nilamon ng apoy ang bus.