LEGAZPI CITY- Walang naitalang malalaking insidente sa rehiyong Bicol kaugnay ng epekto ng binabantayang sama ng panahon.
Ayon kay Office of the Civil Defense Bicol Spokesperon Gremil Naz sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi na naging managable naman sa local levels ang ilang mga insidente ng pabaha partikular na sa lalawigan ng Masbate.
Sa kabila nito ay pinapasiguro ng opisyal sa lahat ng mga local disaster risk reduction and management offices na 24 oras na nakabantay ang kanilang mga personate para sa pangangailangan ng publiko.
Ayon pa kay Naz na tinitingnan ng tanggapan kung La Niña related events na ang mga nararanasang pag-ulan o dulot pa rin ito ng Tropical Depression.
Kaugnay nito ay sinabi ng opisyal na naka-focus ang ahensya sa capacity building upang malaman ng mga local government units at ng publiko ang mga kinakailangang gawin sa panahon ng kalamidad.
Sa pamamagitan nito ay naniniwala ang tanggapan na maiiwasan ang anumang hindi inaasahan na insidente kung may kakayanan ang publiko na mailigtas ang kanilang sarili.
Samantala, nanawagan naman ito sa publiko lalo na sa mga nasa high risk areas na sumunod sa abisto ng mga kinauukulan para na rin sa kanilang seguridad.