MAYON VOLCANO
rockfall events in Mayon Volcano

LEGAZPI CITY- Pumalo sa apat ang naitalang rockfall events sa bulkang Mayon sa nakalipas na magdamag ayon sa tala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology.

Ayon kay Mayon Observatory Resident Volcanologist Deborah Fernandez sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi na posibleng i-ugnay ang pagtaas ng naturang aktibidad dahil sa naranasang mga pag-ulan sa lalawigan sa nakalipas na mga araw.

Matatandaan kasi na noong nakalipas na mga linggo ay tila bumababa na ang mga parametro na binabantayan sa bulkan.

Maliban sa naturang rockfall events ay sinabi ng opisyal na nakakapagtala rin ng mga short term inflation sa paligid ng Mayon volcano.

Dahil dito ay patuloy pa ring nakataas ang alert level 1 status sa naturang bulkan na nangangahulugan ng posibilidad na magpatuloy ang mga aktibidad nito.

Kaugnay nito ay mahigpit ang paalala ni Fernandez na mahigpit na ipinagbabawal ang pagpasok sa 6km radius permanent danger zone dahil sa banta na dala ng bulkang Mayon.