LEGAZPI CITY- Inihayag ng grupo ng mga magsasaka na tila nakatulong umano ang mga pag-ulan na dulot ng bagyong Aghon sa ilang mga magsasaka na naapektuhan ng matinding El Niño.
Subalit hindi pa umano sapat ang naturang pag-ulan upang makapagsimula muli sa pagtatanim ang ilang magsasaka.
Ayon kay Bantay Bigas spokesperson Cathy Estavillo sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi na hindi gaanong naapektuhan ng sama ng panahon ang ilang taniman subalit apaketado naman ang kabahayan ng ilang magsasaka na binaha.
Dahil dito ay kinakailangan umano ng patuloy na matutukan ng pamahalaan ang pagbibigay ng tulong sa mga lokal na magsasaka na isa sa karaniwang nahaharap sa matinding pagsubok dahil sa kalamidad.
Paliwanag ng opisyal na hindi sapat ang P5,000 na ayuda sa kada magsasaka dahil manawagan pa tin ng mga ito na magkaroon ng kompensasyon sa pagkalugi dahil sa kalamidad na nakaka apekto sa kanilang kabuhayan.
Dagdag pa ni Estavillo na ang pondo ng pamahalaan ang dapat na nararamdaman ng mga Pilipino sa pamamagitan ng paglikha ng mga programa.