Julie Patidongan alias Totoy revealed that the sabungeros were allegedly kidnapped and killed at a slaughterhouse near the fishing grounds in Laurel, Batangas.

Ibinunyag ni Julie Patidongan alyas Totoy na kinidnap at pinatay umano ang mga sabungero sa isang slaughterhouse malapit sa palaisdaan sa Laurel, Batangas.

Ayon kay Patidongan, ang iba pang biktima na kasama sa game fixing ay itinapon sa Taal Lake.

Nauna nang ibinunyag ni Patidongan na linagyan ng bato ang sandbag ang mga bangkay ng mga sabungero para hindi lumutang at manatili na lamang sa ilalim ng lawa.

Aniya, ilan sa mga pulis na sangkot sa kaso ang gustong magsalita tungkol sa kanilang nalalaman at handa silang makipagtulungan sa mga awtoridad.

Tinawag niyang lieutenant colonel si Vito na nagsilbing team leader na binabayaran umano ng P2 milyon kada buwan para sa kanyang tungkulin.

Nakatakdang maghain ng kanyang official affidavit si Patidongan sa Lunes kaugnay ng nawawalang kaso ng mga sabungero.