LEGAZPI CITY – Nagpadala ng sulat ang Alliance of Health Workers (AHW) kay Pangulong Rodrigo Duterte upang hilingin na magkaroon ng reporma sa leadership ng Inter Agency Task Force (IATF) sa COVID-19 response ng pamahalaan.

Binigyang diin ni AHW National President Robert Mendoza sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi, na panahon na para palitan ang mga namumuno sa IATF dahil halos dalawang taon na ang nakakalipas ay wala pa ring pagbabago sa sitwasyon ng pandemya sa bansa.

Dapat aniya ay mga eksperto na ang ilagay sa IATF upang alam kung papanu makontrol ang pakalat ng COVID-19 at hindi lang lahat military approach ang ipapatupad.

Aniya, isa na dito ang bagong alert system sa NCR na kung iisipin ay hindi na dapat baguhin ang quarantine classification dahil magdudulot lamang ito ng pagkalito sa publiko.

Ayon kay Mendoza na panahon na para pakinggan na ng pamahalaan ang panawagan ng mga healthcare workers dahil kung patuloy aniya na magbubulag-bulagan at magbibingi-bingihan hindi malayong tuluyan ng mapilay ang healthcare system ng bansa