LEGAZPI CITY – Nag-apela ang Commission on Elections sa publiko na maagang magparehistro upang makaboto sa midterm elections sa May 2025.
Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Comelec Albay Elections Superviros Atty. Aurea Bo-Bunao, nagsasagawa na ngayon ang tanggapan ng ”register anywhere” sa mga mall sa lalawigan at satellite registration sa mga barangay.
Isinagawa ang ”register anywhere” kada unang Sabado ng buwan at ngayon ay nasa Pacific mall ang lungsod ng Legazpi ang venue.
Habang ang satellite registration ay tuloy-tuloy na isinasagawa partikular nasa mga liblib na lugar.
Ayon kay Bunao, umabot na ngayon sa 3,000 ang bilang mga nakapagparehistro sa lalawigan,
Subalit ikinalungot naman nito na kakaunti lang ang nagpaparehistro sa ‘register anywhere’ kung saan umaabot lang sa walo ang bilang sa isang araw.
Dahil dito, mariing nanawagan ang opisyal sa publiko na huwang na hintayin ang deadline ng voters registration sa Setyembre upang maiwasan ang mahabang pila na palaging nangyayari sa tuwing magsasagawa ng halalan.