LEGAZPI CITY – Inanunsyo ng Department of Agriculture ang nakatakdang pagbibigay ng ayuda para sa mga magsasaka sa rehiyong Bicol sa ilalim ng Rice Farmers Financial Assistance.
Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Lovella Guarin ang tagapagsalita ng Department of Agriculture Bicol, nasa tig-P5,000 ang ayudang matatanggap ng 127,000 na mga magsasaka sa rehiyon.
Ayon kay Guarin, mula ang ayuda sa pondo na inilaan ng ahensya nitong nakaraang taong 2023 subalit ngayon lamang nasimulang ipamahagi.
Ang mga magsasaka lamang na kasama sa Registry System for Basic Sectors in Agriculture at mayroon ng cash cards ang makakatanggap ng ayuda.
Dahil dito nanawagan ang opisyal sa mga magsasaka na magpalista na sa kanilang data base upang makatanggap ng kaparehong mga ayuda mula sa gobyerno.