LEGAZPI CITY – Kakalampagin ngayong araw ng ilang labor group ang gobyerno partikular na ang Kongreso sa nakabinbin na panukala kaugnay sa umento o dagdag-sahod ng mga manggagawa.
Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Partido Manggagawa spokesperson Wilson Fortaleza, magsasagawa ng kilos protesta ang grupo kasama ang iba pang labor group mula sa iba’t-ibang bahagi ng bansa kasabay ng paggunit ng Labor Day.
Panagawan ng grupo ang napapanahon na pagpasa sa panukalang umento sa sahod ng mga manggagawa lalo na ngayong mataas ang presyo ng mga bilihin.
Isabay pa rito ang mataas na halaga ng bill sa tubig at kuryente dulot ng epekto ng matinding init ng panahon.
Ayon kay Fortaleza, iaasahang libo ang makikiisa sa naturang kilos protesta lalo pa’t maramiNG mga manggagawa ang matagal nang naghihintay na madagdagan ang kakarampot na sahod
na kulang na kulang na sa pang-araw-araw na pangangailangan.
Matatandaang kapwa naghain ng panukalang dagdag-sahod ang mga mambabatas sa Senado at Kongreso.