The WPS Bloc of Congress commemorated the 10th anniversary of the decision of the permanent court of arbitration regarding the ruling that the West Philippines Sea is within the Philippine Economic zone of the Philippines.

LEGAZPI CITY-Naniniwala an Bicol Saro Partylist Representative na dapat bigyan ng sanction ang mga high-level Chinese national na nagpapakalat nfg fake news katulad ng ginawa kay dating senador Francis Tolentino patungkol sa usapin sa West Philippine Sea.


Ayon kay Bicol Saro Partylist Representative, Atty. Terry Ridon sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi, mahalagang magsagawa ng proporsyonal at katulad na tugon ang gobyerno ng Pilipinas bukod sa pagpapatawag ng mga Chinese ambassador.


Aniya, hindi ito sapat at dapat ay samahan ng ipinapatupad na mga parusa tulad nito sa mga high level na Chinese nationals dahil ito ay mabigat na parusa para sa bansa at sa mga mamamayan.


Dagdag pa ni Ridon, dapat din itong gawin laban sa mga high-level Chinese national na nagpapakalat ng maling impormasyon tungkol sa West Philippine Sea at kung hindi ito gagawin, parang pinagtatawanan lamang at kinakawawa ng Beijing ang ating bansa.


Dapat aniyang tugunan ng diplomasya ang pinsalang idinulot sa bansa dahil iba ang usaping ito sa mga nagsasabing magkakaroon ito ng epekto sa ekonomiya at relasyon sa politika.


Nakakabahala aniya ang pagpapataw ng sanction ng China hindi lamang sa mga opisyal kundi may kakayahan pa silang patawan magin ang lahat ng mamamayang Pilipino.

Kung siya naman ang tatanungin, aniya, ang sanctions na ito ay isang karangalan pa at nagpapakita ng paglaban sa soberanya ng bansa.


Samantala, suportado rin ng opisyal ang panukalang ipagdiwang ang anibersaryo ng pagkapanalo ng Pilipinas sa arbitral ruling.


Sinabi din ng opisyal ang pangangailangang natin na ipaglaban at itaguyod ang mga karapatan sa karagatan at soberanya ng Pilipinas na magpapatuloy sa mga susunod na taon.