LEGAZPI CITY – Nagsagawa ang grupo ng mga guro ng kilos protesta kasabay ng Semana Santa.
Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Alliance of Concerned Teachers Chairperson Vladimer Quetua, tinatawag ang kanilang protesta na ”Kalbaryo ng mga Guro” na taunang isinasagawa tuwing Holy Week.
Kasama sa mga ipinanawagan ay ang pagbibigay ng mga benipisyo sa mga guro na kung hindi kulang ay atrasado pa ang pamamahagi.
Nanawagan din ang grupo na bawasan na ang tambak na trabaho at mabigyan ng dagdag na suporta ng gobyerno para sa pambili ng kulang na mga gamit sa paaralan.
Hiling din ng Alliance of Concerned Teachers na matigitl na ang mga insidente na red tagging sa kanilang grupo na ipinaglalaban lang ang kaparatan ng mga guro.