LEGAZPI CITY – Obligado na ang lagat na food services establishments sa lungsod ng Legazpi na mag-provide ng malinis na potable service water sa lahat ng customers.
Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay City Councilor Alexandor Jao, pasado na ang isinusulong na Ordinance 16-0030-2024 na nagmamandato sa mga kainin sa lungsod na dapat maryoong ligtas at malinis na inuming para sa mga customers.
Libre ang naturang tubig at dapat ay mayroong designated drinking area ang naturang mga establishemento.
Magiging epektibo ang ordinansa 15 araw matapos na maipalabas ang Implementing Rules and Regulations (IRR) nito.
Nagbaba naman si Jao sa mga establishemento na hindi sususnod sa ordinansa na mayroong kakaharapin na penalidad.
Sa first offense ay magmumulta ng P3,000; second offense, P5,000 at asin closure and suspension of business.
Habang sa third offense ay magmumulta ng P10,000 at mayroon nang legal actions.