LEGAZPI CITY-Na-trap sa kani-kanilang lugar sa ngayon ang mga Filipino sa Thailand dahil sa patuloy na border clash ng bansa laban sa Cambodia.

Ayon kay Bombo International Correspondent in Thailand Toto Cadapan, sa isang panayam ng Bombo Radyo Legazpi na na nakikiusap na ang ilan sa mga Pilipino sa Thailand para mabigyan ng tulong.


Dagdag pa niya na bawat grupo rito ang may kanya-kanyang malungkot na kwento kung saan ang iba nasa isang lugar lamang, walang makain, walang inuming tubig, at palipat lipat ng matitirahan.


Apektado rin aniya ang mga nasa border kung saan hindi sila makalabas dahil wala itong mga bitbit na pera at naipadala na ito sa kanilang mga pamilya noong simula pa lamang ng gera.


Hindi rin aniya inilikas ng Thai government ang karamihan sa mga Pilipino dahil sila mismo ang nagsilabasan sa kani-kanilang mga lugar para lamang makaligtas.


Marami sa apektadong lugar ang mismong nasa border simula sa northeast papuntang east kun saan malapit ito sa naval base ng Thailand.


Dito aniya nakaalerto sila dahil ito ang pinupunterya ng Cambodia, kung kaya ay nagpapadala sila rito ng nasa 500-600 drones.


Dagdag pa ng opisyal na ang mga drones na ito ay idene-deploy sa gabi, kaya’t nagkakaroon rin ng curfew tuwing alas 7:00 ng gabi kung saan dapat tulog na ang lahat at walang nakasinding mga ilaw sa mga kabahayan.


Pinaka delikado rin umano ang mga pinapalikas sa mga hospital dahil dito ang kadalasang target ng Cambodia.


Marami na ring naitalang damages at nasawi sa Thailand na mga sibilyan at militar sa magkabilang panig.


Samantala, karamihan sa mga Pilipino sa Thailand ang sa ngayon ay “no work, no pay” ngunit ilang mga guro rin ang nakakapag-online class.


Ilan sa mga guro sa Thailand ang umano’y ayaw umuwi sa bansa dahil sa sitwasyon rito at naniniwalang hindi rin tatagal ang gera sa lugar.


Abiso naman ng Thai Government na huwag munang bumalik sa kanilang pinanggalingan at nagbabala na mag-doble ingat dahil sa sitwasyon sa lugar.


Paalala sa mga kapamilya ng mga kababayan sa Thailand na nasa maayos na kalagayan at binabantayan rin ng embahada at iba pang ahensya para sa kanilang kaligtasan.